Sunday, September 8, 2019

Buwan ng Wika 2k19-20


WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO.
Image result for buwan ng wika celebration 2019
                       Ginugunita ng Pilipinas ang Buwan ng Wika tuwing Agosto. Puno ng iba't ibang aktibidad ang buwan bilang pagsaludo sa wikang Filipino at sa pagmamahal sa bansa. Kaakibat ng pagdiriwang na ito ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan ng pambansang wika at ang mga hakbang upang itaguyod at paunlarin ito.
Image result for manuel l quezon ama ng wika
            Ang pagbuo ng isang pambansang wika upang mapagkaisa ang buong bansa ay mithiing nagsimula noong 1935, sa panahon ni Pangulong Manuel L. Quezon.Sa Konstitusyon noong taong iyon, iniatas sa Kongreso ang "magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika."


         

  Pinangunahan ng KWF ang pagdiriwang na may temang "Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Pilipino" alinsunod sa Resolusyon Blg. 19-03 at sa pagdiriwang ng International Year of the Indigenous Languages ​​(IYIL) o Pandaigdigang Taon ng mga Katutubong Wika tulad ng ipinahayag ng UNESCO

Image result for IYILANG TEMA NG PAGDIRIWANG sa 2019 Buwan ng Wika ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Bakit?
            Dahil isang mahalagang aspekto ng tungkulin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pangangalaga sa lahat ng katutubong wika ng Filipinas. Ipinaaalala ito ng 1987 Konstitusyon sa pamamagitan ng pagsasabi na ang pagpapayaman at pagdevelop ng wikang Filipino ay dapat isagawa pangunahin sa tulong ng mga wikang katutubo ng Filipinas. Napakagandang pagkakataon din na ang taóng ito ay idineklara ng UNESCO na International Year of the Indigenous Languages (IYIL).
           
Image result for wikang katutubo LAHAT                 



         Mas nabigkis ang bawat isa dahil sa mabisang komunikasyon at walang hadlang sa pagkakaintindihan. Mas malinaw na transaksyon sa kalakalan sa pagitan ng isa't-isa. Ang kaunlaran at pag-usbong ng pamumuhay ay magandang dulot ng pagkakaunawaan.  Kaya naman magtulungan at paunlarin ang wikang Filipino upang bayan natin ay may pag-unlad.

No comments:

Post a Comment